oyayi
Hindi lahat ng gusto natin, mapapasatin.  Pero habang may mga taong nagmamahal at naniniwala sa atin, mas  nagkakaroon tayo ng tibay ng dibdib at lakas ng loob na gawin ang lahat nang makamit ang ating mga minimithi.


Ito ang kauna unahan kong likha sa pahinang ito. Dahil sa pangungulit ng numero uno kong tagahanga na si amsyqt at dahil sa inspirasyon ni janeysimple, nagdesisyon akong buhayin si Oyayi.


Kagigising lamang ni amang araw. Naalimpungatan lang ata dahil medyo humihikab hikab pa. Halatang puyat at ayaw pang bumangon. Mukhang nakikipagdebate pa sa pinsan nyang si Ulan at sa aking pakiwari yaong huli ang nanaig.



Sabay tugtog sa paligid ng "♪♮♫
You can dance, you can jive. Having the time of your life. Ooh see that girl, watch that scene. Dig in the dancing queen!♪♭♫ "


Aba, di apektado si amang araw! Parang walang narinig! Inismaran ang lahat. At
bago bumalik sa paghihilik nagbitiw pa neto--"Dinedeklara ko ang araw na to na araw ng katamaran!


Ako na ata ang may pinakamataas na talon dulot ng saya sa sinabi nya. Napaindak pa nga ako at napasigaw ng pagkalakas lakas na "WOOOHOOO!"



Masunurin naman akong bata (sa pag-iisip). Kaya tamad na kung tamad! Gagawin ko ang utos ni amang araw. Sisimulan ko sa pagbababad sa panonood ng sandamakmak na pelikula. O sya, tatapusin ko na lang nga muna yung nasimulan ko ng koreanovela. Bahala na kung halos dumugo na ang utak ko sa pag iintindi at paggawa ng sariling linya nung mga bida. Ewan ko ba saang lupalop ng mundo nanggaling yung gumawa nung "subtitles" e. Para naman kasing gumawa na sila ng bagong kwento. Saan ka nakakita na tumatawa na yung mukha nung bida, ang linya parang naiiyak pa na natatae?


O sya, fans, sa susunod na ulit nating pagkikita ha? Samantala balik muna tayo sa twitter republic at fb world! Kitakits!



9 Responses
  1. janey Says:

    hahaha. ayos! inspired ka ata sa ulan, sis. *_^
    makes me wonder bakit "oyayi"? paki-explain sa next blog mo. hahaha. demanding. =)


  2. oyayi Says:

    hahaha. sa susunod naman na blog. abtika magfollow uy!hehehe


  3. aMsY_qT Says:

    hahaha ano ba toh! meron din akong blogspot. teka buhayin ko din! hahaha pero don ako sa kabila mag-uupdate.. for commet purposes lang! hahaha


  4. oyayi Says:

    hahaha. mao na ni ron! si weirdude na lang ang kulang!


  5. janey Says:

    hahaha. ayos! *_^

    amsy, naa diay ka blogspot? chaka. wala gyud nag-ingon. sa kadugay na nako ga-blog. jeje.


  6. aMsY_qT Says:

    haha dugay na kaayo to na blog te oi... like HS days pa ata! hahahaha


  7. aMsY_qT Says:

    so, LITERALLY this is your FIRST blog post? or on this account lang? :)


  8. oyayi Says:

    1st sa account na to. I have another nga pero for "personal consumption" nga lang yun kumbaga.hehehe



Post a Comment